Patay ang sampu katao habang apat ang sugatan sa salpukan ng isang delivery truck at isang multicab van sa bayan ng Botolan sa Zambales.
Ayon kay SPO1 Larry Deliguin, imbestigador sa Botolan Municipal Police Station, naganap ang aksidente kaninang 2:45 ng hapon sa Barangay Carael.
Nabatid na ang mga biktima at mga pasahero ng van na nabangga ng delivery truck na patungong Olongapo.
Ayon sa driver ng truck, nawalan siya ng kontrol sa kanyang minamaneho matapos sumabog ang kaliwang gulong nito.
Sinabi naman ni SPO1 Deliguin na pito sa mga pasahero ng van ang namatay on the spot at tatlong iba pa naman ang idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa bayan ng Iba.
Galing sa isang seminar ang mga pasahero ng van at pabalik na sana sa Barangay Amungan sa Iba.
Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.