Speaker Alvarez umaming hiwalay na sa misis at may girlfriend

By Isa Avedaño-Umali March 30, 2017 - 05:01 PM

Alvarez-Floirendo2
Inquirer file photo

Hindi natatakot si House Speaker Pantaleon Alvarez na ma-disbar dahil sa pagkakaroon ng ‘girlfriend.’

Hamon ni Alvarez, ‘go ahead’ sa mga gustong maghain ng reklamo o disbarment case laban sa kanya.

Hirit pa ni Alvarez, baka raw walang matirang abogado kung ipapa-disbar ang mga may ka-relasyon o kabit.

Nang matanong kung totoo bang girlfriend niya ang isang Jennifer Vicencio, ang patawang sagot nito ‘Diyos ko naman, sino bang walang girlfriend.’

Matatandaan na sa statement ni Cathy Binag, ang live-in partner ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo, kinumpirma nito ang insidente sa pagitan nila ng girlfriend ni Alvarez na si Vicencio.

Inamin naman ni Alvarez na matagal na silang hindi nag-uusap ng misis na si Ginang Emelita Alvarez at hindi na raw sila magkasama.

Nauna nang sinabi ng speaker na aalisan ng opisina sa loob ng Batasan Complex ang Congressional Spouses Foundation na pinamumunuan ni Ginang Alvarez.

TAGS: Alvarez, cathy binag, Congress, floreindo, Alvarez, cathy binag, Congress, floreindo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.