China hindi dapat sisihin agad sa pagpasok sa Benham Rise ayon kay Gatchalian

benham-risePara kay Sen. Win Gatchalian ay hindi maaring maging basehan ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayag nito na pumasok sa Benham Rise ang Chinese survey ships.

Katuwiran ni Gatchalian, ang nangyari ay pagpapatupad lamang ng government policy para sa pagsasaliksik at siyensa.

Ngunit aminado ang senador na may pagkukulang sa sistema ng komunikasyon dahil lumalabas na hindi alam ng security cluster ang pagbibigay permiso ng pangulo sa China.

Dagdag pa nito hindi pa rin malinaw kung talagang nagsagawa ng survey operations ang Chinese vessels o ang nangyari ay talagang maituturing na “freedom of passage” sa bahagi ng China.

Kahapon ay nagsagawa ng public hearing ang Committee on Energy ni Gatchalian para sa panukalang pagbuo ng Benham Rise Development Authority.

Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagpaalam sa kanila ang China na papasok sila sa Benham Rise pero hindi nila binigyan ng permiso ang mga ito.

Read more...