North Korean leader tinawag na sira ulo ni Duterte

Kim-Jong-Un-0416-660x371
AP

Bukod sa mga miyembro ng European Union at si dating U.S President Barrack Obama, may panibagong world leader na naman ang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati kahapon ng pangulo sa People’s Day sa Socorro, Oriental Mindoro ay tinawag nitong sira ulo si North Korean President Kim Jong-Un.

May kaugnayan ito sa umano’y mga ginagawang panggugulo ng nasabing lider sa mga bansang nakapaligid sa kanya.

Nabanggit ng pangulo si Kim nang komprontahin nito si U.S Ambassador Sung Kim kung bakit hindi sinaway ng U.S ang China noong nagtatayo pa lamang ng runway at mga imprastraktura sa West Philippine Sea.

Ang katwiran ni Kim, hindi pa siya ang ambassador noon ng Amerika sa Pilipinas at nakatalaga pa siya sa North Korea.

Matatandaang nakatikim na ng mura at kaliwa’t kanang pambabatikos mula kay Pangulong Duterte ang mga miyembro ng European Union maging si U.S President Barack Obama dahil sa pakikialam ng mga ito sa kanyang kampanya kontra sa illegal na droga na nauwi na umano sa extra judicial killings.

Read more...