Anak ni Speaker Alvarez bumuwelta sa kampo ni Cong. Floirendo

By Isa Avendaño-Umali March 30, 2017 - 03:14 PM

Paola Alvarez
Inquirer file photo

Nagsalita na ang anak ni House Speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa kinasasangkutang sigalot ng ama at Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo.

Sa isang statement, sinabi ni Department of Finance Spokesperson Paola Alvarez na labis na nagulat ang kanyang pamilya sa mga naglalabasang ulat.

Inamin ni Alvarez na masakit para sa kanyang pamilya na nasira na ang matagal na pagkakaibigan nila kay Floirendo.

Inalmahan  din ng opisyal kung paano umano inexploit ng live-in partner ni Floirendo na si Cathy Binag ang personal na relasyon upang baligtarin ang katotohanan.

Ayon kay Alvarez, gusto ng kanyang pamilya na manatiling pribado kahit nasa serbisyo-publiko sila ng tatay na speaker ng Kamara.

Umaasa rin si Paola na irerespeto ito ni Binag at titigil na sa pagkaladkad sa pamilya Alvarez sa mga isyung-personal nito.

Dagdag nito, inaasahan na i-aaddress ng magkabilang-panig ang isyu at mailalabas ang totoo.

TAGS: binag, floreindo, paola alvarez, binag, floreindo, paola alvarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.