Supplemental impeachment complaint vs Pres. Duterte, propaganda lamang – Panelo

panelo1Tinawag na propaganda ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang supplemental impeachment complaint ni Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, maraming legal questions ang dapat munang masagot bago maituring na isang lehitimong kaso ang isinampa ng kongresista.

Iginiit ni Panelo, maituturing na pangalawang impeachment complaint ang inihain ni Alejano na supplemental complaint.

Kapag nagkataon ayon kay Panelo, illegal na ito dahil sa mayroong umiiral na isang taong ban kapag may naihain ng isang impeachment complaint laban sa pangulo.

Dapat aniya ay isinama na nila ang mga bagong “grounds for impeachment” sa unang kaso dahil hindi maaaring dalawang magkasabay na impeachment complaint ang gugulong.

Samantala, tinawag naman ni Panelo na pawang spekulasyon ang batayan ni Alejano sa pagkakaroon umano ng betrayal of public trust sa bahagi ng pangulo ng payagan ang mga barko ng China na makapaglayag sa Benham rise.

Naging basehan ni Alejano sa impeachment complaint sa pangulo ang culpable violation of the Constitution, engaging in bribery, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang high crimes.

Read more...