1,600 special permits sa mga bus aprubado na ng LTFRB

By Ricky Brozas March 30, 2017 - 12:43 PM

Buses LTFRB
File Photo

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang aplikasyon para sa special permit ng 1,600 ng mga dagdag na byahe ngayong semana santa.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, ang pagbibigay ng special permit ay upang makadagdag ng byahe ng mga bus para sa mga uuwing bakasyunista sa ibat-ibang probinsya.

Layunin nito na may sapat na bilang ng mga pampasaherong bus sa mga dadagsang pasahero sa mga terminal.

Simula sa susunod na linggo ay maglalagay naman ng mga assistance desk ang LTFRB sa mga bus terminal upang umagapay sa mga byahero.

Pinaalalahan naman ng LTFRB ang mga pasahero na walang pagtaas sa pamasahe habang dapat pairalin ng mga bus company ang diskwento sa senior citizen, may kapansanan at mga estudyante.

 

 

TAGS: Bakasyon, bus, Holy Week, ltfrb, Semana Santa, special permit, Bakasyon, bus, Holy Week, ltfrb, Semana Santa, special permit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.