Away nina Speaker Alvarez at Rep. Floirendo, gagamitin sa impeachment vs Digong

By Isa Avedaño-Umali March 30, 2017 - 12:41 PM

Alvarez-Floirendo1Naniniwala si Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na maaring makatulong sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tensyon sa pagitan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo.

Sinabi ni Alejano na nalulungkot siya dahil nag-aaway ang mga kongresista dahil lamang sa babae.

Gayunman, ang sigalot aniya nina Alvarez at Floirendo ay maaaring magbunsod ng pagkakawatak-watak ng PDP-Laban, na magpapalakas naman sa planong pagpapatalsik sa pangulo.

Paalala ni Alejano, marami sa mga kongresista ang lumipatsa PDP-Laban dahil sa rasong ito ang ruling party matapos mahalal na pangulo si Duterte.

Bukod dito, ang kasalukuyang brasuhan at pilitan ng liderato ng Kamara ay maaari ring magpataas sa emosyon ng mga mambabatas.

Matatandan din na nagkatanggalan sa committee chairmanship, partikular ang mga bumotong ‘no’ sa Death Penalty Bill.

Batay sa supplemental impeachment complaint ni Alejano, kabilang sa grounds laban katy Duterte ay betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at dereliction of duty for inaction kaugnay sa isyu sa ng West Philippine Sea at Benham Rise.

TAGS: Benham Rise, death penalty bill, impeachment, Kamara, PDP Laban, Rep. Floirendo, Representative Gary Alejano, Speaker Alvarez, West Philippine Sea, Benham Rise, death penalty bill, impeachment, Kamara, PDP Laban, Rep. Floirendo, Representative Gary Alejano, Speaker Alvarez, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.