Patay ang isang drug suspect habang nakakumpiska ng samu’t-saring matataas na kalibre ng baril ang mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa lalawigan ng Sulu.
Nakilala ang nasawi na Ardin Akar Paling habang sugatan naman ang kasamahan nitong si Nong Haliludin.
Sa report ni C/Supt Reuben Theodore Sindac, Regional Director ng Police Regional Office ARMM, sinalakay ang mga Brgy Capual at Brgy Lahing-lahing ,Omar, Sulu.
Target ng law enforcement operation ang mga suspek na sina Saudi Kahil Hamja, Adzmar Omar, Juli Sahirol, at Ayub Mangcabong na may mga kasong murder, arson at illegal drug trade.
Nanlaban umano ang suspek na si Paling gamit ang kaniyang AK 47 dahilan upang paputukan ng mga awtoridad.
Nakumpiska sa mga suspek ang 3 sachet ng shabu at 30 matataas na kalibre ng baril kabilang ang 7 units M16 rifle, c. 2 M2O3, 5 M14 rifles, 1 cal. 22, 3 carbine rifles,. 1 M79, 1 AK 47, 1 FAL-IN, 1 piraso ng 50 cal machine gun, at 1 60 mm mortar.
Sa follow up operation sa Sitio Buhangin Mahaba. Brgy Lahing lahing, Omar, Sulu nagtakbuhan ang mga target ng operasyon nang masorpresa sa pagdating nga mga awtoiridad.
Nakarecover sa lugar ng dalawang M14 rifle, 1 grenade rifle, 4 na M16 rifle at 1 grenade launcher.