Supplemental impeachment complaint vs. Pres Duterte inihain
Inihain ngayon ni Magdalo Representative Garry Alejano ang supplemental impeachment complaint sa House of Representatives laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Alejano, idinagdag niya ang betrayal of public trust, culpable violation of the 1987 Constitution at iba pang high crimes.
Ito ayon kay Alejano ay ang hayagang pagpayag ng pangulo sa pagpasok ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Nagkaroon anya ng sikretong kasunduan ang pangulo sa China ng hayaan ang survey ship nito na pumasok sa Benham rise.
Sinabi ni Alejano na nanalo ang bansa sa kaso sa Permanent Court of Arbitration pero hinayaan lamang ito ng pangulo at tila umanib pa sa China.
Mistula rin daw na spokesperson ng China ang Pangulong Duterte.
Magugunitang dalawang linggo na ang nakalipas ng unang ihain ni Alejano ang impeachment laban kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.