Ban sa panghuhuli ng isdang tamban pinag-aaralan

By Ricky Brozas March 30, 2017 - 09:20 AM

tamban CDN photo
Inquirer Photo

Pinag-aaralan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagpapatupad ng limitasyon sa mga isdang hinuhuli upang gawing sardinas.

Ito ang lumabas sa isinagawang National Management Plan ng BFAR at Oceana Philippines na nagsasagawa ng pag-aaral kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng suplay ng isda.

Sinabi ni Dr. Jose Igles ng Technical Working Group ng BFAR, ang layuning ito ng ahensya ay upang tulungan ang mga mangingisda at iba pang stakeholders na mapanatili ang presyo ng suplay ng sardinas sa merkado.

Base sa pag-aaral ng BFAR, ang mga mangingisda ang karaniwang apektado kapag bumababa ang presyo ng isda dahil sa dami ng suplay.

Nais ng BFAR na limitahan ang paghuli ng isdang tamban upang mapanatili ang presyo nito at mas makinabang ng husto ang mga mangingisda.

Base sa kanilang monitoring, bumababa ang kada kilo ng tamban na binibili sa mga mangingisda kapag maraming nahuhuli ngunit hindi naman bumababa ang presyo ng sardinas sa merkado

Samantala, sinabi naman ni Ms. Jemily Flores, senior marine scientist ng Ocean a Philippines, posibleng magkaroon ng epekto sa suplay ng nahuhuling tamban ang nararanasang climate change.

Maraming isda umano ang kadalasan ay nagtutungo sa mga mas malalalim na karagatan dahil nauubusan ito ng dapat na oxygen dulot ng mainit na panahon at maraming ulan na hindi akma sa kalalagayan ng mga isda.

TAGS: BFAR, Dr. Jose Igles, Isda, Merkado, Ms. Jemily Flores, National Management Plan, Oceana Philippines, Presyo, Sardinas, Tamban, BFAR, Dr. Jose Igles, Isda, Merkado, Ms. Jemily Flores, National Management Plan, Oceana Philippines, Presyo, Sardinas, Tamban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.