Ipinagharap ng panibagong reklamo ng National Bureau of Investigation ang mga taong sinasabing nasa likod ng “rent-tangay” scheme na nakabiktima sa halos limandaang may-ari ng mga sasakyan sa buong bansa.
Nahaharap na ngayon sa mga reklamong syndicated estafa, large scale syndicated estada at carnapping sina Rafaela Anunciacion, Anastacia Cauyan, Eliseo Cortez, Sabina Torrea at mag-asawang Bienvenido at Marilou Vera Cruz.
Sa isinumiteng reklamo ng NBI sa Department of Justice, sinabi nilang alam na alam ni Anunciacion at ng kaniyang mga kasabwat ang kalakaran ng nasabing scheme dahil sila mismo ang gumawa nito.
Napatunayan din nilang niloko nina Anunciacion hindi lang ang mga car owners kundi pati ang mga investors nila na nagpapasok ng pera sa kanilang scheme.
Base anila sa mga pangyayari, halatang may criminal intent ang grupo nina Anunciacion para manloko.
Ito na ang ikalawang reklamo isinampa laban sa mga respondents, dahil una na ring naghain ng kaso ang Philippine National Police Highway Patrol Group laban sa kanila.