Furlough para makadalo sa birthday ni Mayor Erap, hiniling si ex Sen. Jinggoy

By Isa Avedaño-Umali March 30, 2017 - 08:55 AM

jinggoy-estrada
Inquirer File Photo

Humihirit si dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan ng ‘furlough’ para makadalo sa kaarawan ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Jinggong na magdiriwang ng kanyang 80th birthday sa April 19, 2017 si Mayor Erap.

Nakasaad sa mosyon na hiling ng dating presidente na makapiling ang kanyang mga anak sa espesyal na okasyon.

Nais din umano ng akusado na makasama sa preparasyon, lalo’t noong mga nakalipas na kaarawan ng matandang Estrada ay ang kanyang pamilya ang principal organizer.

Dahil ‘rare’ o bibihira umano na makaabot ng edad na 80, umapela si Jinggoy Estrada sa korte na mapayagan siya para sa 12-hour furlough o makalabas ng detention facility sa Kampo Krame sa April 18, 2017 hanggang alas-singko ng hapon.

Gaganapin ang birthday party ni Erap sa lungsod ng Maynila.

Ang dating Senador Estrada ay nakakulong at nililitis dahil sa kasong plunder, kaugnay sa Pork Barrel scam.

TAGS: 2017, 80th birthday, 80th birthday sa April 19, ex Sen. Jinggoy, Furlough, Mayor Erap, 2017, 80th birthday, 80th birthday sa April 19, ex Sen. Jinggoy, Furlough, Mayor Erap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.