Task Group na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng babaeng nagpaparetoke binuo ng pulisya

FB photo of Bunz Saturnino-Cuevas businesswoman model patay sa cosmetic surgery
FB photo of Bunz Saturnino-Cuevas

Bumuo na ang Eastern Police District (EPD) ng special task group para sa imbestigasyon sa pagkamatay ng isang babaeng negosyante matapos itong sumailalim sa tatlong cosmetic surgeries sa Mandaluyong City.

Ayon sa hepe ng EPD na si Chief Supt. Romulo Sapitula, pangungunahan ni deputy director for operations Senior Supt. Marcelino Pedrozo ang “Special Investigation Task Group Shiryl Saturnino.”

Makakasama sa nasabing task group ang dalawang doktor mula sa Philippine National Police Crime Laboratory, isang team ng mga medical experts, si Mandaluyong Police chief Senior Supt. Joaquin Alva at ang kanilang investigation team.

Ayon kay Sapitula, hihingi sila ng tulong mula sa mga medical experts upang matukoy kung nagkaroon ng negligence o anumang pagkakamali sa panig ng clinic.

Aalamin rin nila ang epekto ng sabay-sabay na pagsasagawa ng multiple surgeries at kung normal lang ba na gawin ang mga ito nang madaling araw.

Read more...