2 Drug pusher patay sa ambush

By Cyrille Cupino, Jong Manlapaz March 30, 2017 - 08:31 AM

PATAY TAGUIG AND CALOOCAN
Kuha nina Cyrille Cupino at Jong Manlapaz

Dalawang drug pusher ang nasawi makaraang pagbabarilin sa Taguig City at Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang nakilalang si Jose Romarico Carpeña Jr., alyas ‘Jojo’, 32-anyos at residente ng Brgy. Bagumbayan nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Ayon sa ilang residente, matagal nang sakit ng ulo sa kanilang lugar ang biktima dahil ito ang nagsu-supply ng droga sa mga kabataang residente, at nagpapaputok rin ito ng baril kapag lasing o kaya naman ay lango sa droga.

Tiinamaan naman ng ligaw na bala sa tuhod ang isang residente na si Bernard Alto.

Nakarecover ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen ng 8 basyo ng bala, 3 mula sa caliber 45, at lima mula sa 9mm.

Nakuha rin sa bulsa ng biktima ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nasa loob ng kaha ng sigarilyo.

Nagpapasalamat naman ang ina ng nasawi dahil tapos na ang problema niya sa kanyang pasaway na anak.

Samantala, napatay naman sa pinuntuhang lamay ang isang lalake sa Barangay 176 Bagong Silang, Caloocan, matapos pagbabarilin ng isang riding in tandem.

Mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naging dahilan ng kamatayan ni Jeff Macatunggal habang tinamaan naman ng ligaw nab ala ang dalagita na kaagad isinugod sa ospital.

Ayon kay Jose Ibale, purok leader sa lugar maraming reklamo ang mga residente laban sa biktima na kilalang pusher sa lugar.

Sa halip na sumuko sa Oplan Tokhang lumipat ito sa ibang lugar simula ng pumasok ang Administrasyong Duterte.

 

WATCH:

 

 

TAGS: 176 Bagong Silang, 2 Drug pusher patay sa ambush, Administrasyong Duterte, caloocan, Lower Bicutan, Oplan Tokhang, Taguig City, 176 Bagong Silang, 2 Drug pusher patay sa ambush, Administrasyong Duterte, caloocan, Lower Bicutan, Oplan Tokhang, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.