Mahigit 100 arestado sa one-time big-time operation

By Cyrille Cupino March 30, 2017 - 07:57 AM

ONE-TIME BIG-TIME OPERATION SA PARAÑAQUE 4
Kuha ni Cyrille Cupino

Umabot sa 109 na indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang One Time Big Time Operation sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Limampu ang arestado dahil sa pag-iinuman sa kalye, 14 naman ang mga half-naked o walang damit pang-itaas, at 9 ang may mga warrant of arrest.

33 namang menor de edad ang dinala rin sa police station dahil sa lumabag sa ipinapatupad na curfew at nasa kalye pa kahit dis-oras na ng gabi.

15 motorsiklo rin ang kinumpiska, dahil sa kawalan ng mga sapat na papeles.

3 rin ang inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Gaya ng dati, karamihan sa mga naaresto ay pinakawalan rin matapos sabay-sabay na mag push up at sermunan ni Parañaque Chief of Police Sr. Supt. Jemar Modequillo.

Paalala ng Parañaque City Police, mahigpit lamang nilang ipinapatupad ang matagal nang ordinansa ng lungsod.

 

WATCH:

TAGS: 100 ARESTADO, one time big time operation, Parañaque Chief of Police, Sr. Supt. Jemar Modequillo, 100 ARESTADO, one time big time operation, Parañaque Chief of Police, Sr. Supt. Jemar Modequillo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.