Ayon sa isang trabahador sa Penang Port, may dalang 6,300 metric tons ng anthracite coal ang barkong KUM YA.
Sa una ay hindi ito pinayagang makapasok sa Penang Port, ngunit kalaunan ay pinayagan din pero may kasama na itong inspection team at armadong escort.
Noong December 2016, nagpataw ang UN Security Council ng cap sa pag-export ng North Korean coal, kasunod ng paghikayat sa mga miyembro nito na mas paigtingin ang pagsiyasat sa mga barko ng North Korea.
State-controlled ang produksyon ng uling sa North Korea, at ang mga exports nito ay pangunahing pinagkukunan ng pera ng bansa para sa kanilang nuclear at ballistic missile programs.
Kinumpirma naman ito ni MMEA deputy director-general of operations Zulkifli Abu Bakar, ngunit tumanggi na siyang magbigay pa ng ibang detalye.
Hindi rin malinaw kung ano ang hahalughugin o sisiyasatin ng mga inspectors sa nasabing barko.