Tinanggap na ng Philippine Air Force kahapon ang ika-apat na pares ng FA-50 lead-in fighter trainer jets mula sa South Korea.
Dinala sa Clark Air Base sa Pampanga ang mga nasabing jets na may tail numbers na 007 at 008.
Dumating ang unang batch nito noong November 2015, sa kasagsagan ng pag-igting ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Labindalawang fighter jets ang binili ng administrasyong Aquino na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon mula sa Korea Aerospace Industries, na bahagi ng modernization program para sa militar.
Inanunsyo naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatanggap na ng Pilipinas ang natitira pang apat na fighter jets sa April at May ngayong taon.
READ NEXT
Operasyon ng klinika kung saan namatay ang isang ginang, pansamantalang pinatigil ng Mandaluyong
MOST READ
LATEST STORIES