Mga nakababatang lider, inihalal sa CPP Central Committee
Makalipas ang halos 50 taon, muling nagsagawa ng eleksyon ang Communist Party of the Philippines (CPP) at naghalal ng mga mas nakababatang mga lider.
Isinagawa ng CPP ang Second National Congress sa hindi tinukoy na lugar at naghalal ng mga bagong lider sa Central Committee ng samahan sa gitna ng anibersaryo ng ika-48 na pagkakatatag ng kanilang armadong sangay na New People’s Army.
Sa isang statement, sinabi ng CPP na umabot sa 120 delegado na kumakatawan sa 7,000 miyembro ang dumalo sa pagpupulong noong Oktubre noong nakaraang taon.
Sa mga dumalo, nasa 15 porsiyento ang umeedad 44 na taong gulang pababa.
Ang mga bagong lider aniya ng Central Committee ay titiyak na mananatiling buhay ang pakikibaka laban sa isang ‘reactionary state’.
Bukod sa naganap na eleksyon, sinabi rin sa statement na nakaroon rin ng pagbabago sa ilang probisyon sa kanilang konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.