2 kanang binti ng tao, natagpuan sa Bulacan

 

Natagpuang nakahalo sa basurahan ang dalawang binti ng tao sa may Malolos, Bulacan.

Ayon sa mga pulis, parehong kanang binti ng tao ang natagpuan sa tapunan ng basura sa tabi ng McArthur Highway sa bahagi ng Malolos.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, mistula anilang ginamitan ng makina ang pagputol sa mga bahaging ito ng katawan na hinihinalang nagmula sa mga babae.

Hinala pa ng pulisya, dumaan muna sa pagkakasunog ang mga nasabing bahagi ng katawan, at nasa apat na araw nang nakatambak sa basurahan bago natagpuan.

Nagsagawa na rin ng autopsy at DNA tests sa mga nasabing parte ng katawan.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibilidad na hindi taga-doon ang mga biktima, lalo’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na may natagpuang bahagi ng katawan sa Malolos.

Read more...