Duterte sa US: Bakit hindi niyo pinigilan ang China?

By Kabie Aenlle March 30, 2017 - 04:28 AM

 

Spratly-Islands-0711Kinompronta ni Pangulong Rodrigo Duterte si United States Ambassador Sung Kim dahil sa aniya’y kawalan ng aksyon ng US nang magsimula ang reclamation activities ng China sa South China Sea.

Nagkita sina Duterte at Kim noong Lunes sa presidential guest house sa Davao City.

Ayon kay Duterte, sinabi niya kay Kim na nagulat siya dahil kung gusto talaga ng Amerika na makaiwas sa gulo, dapat ay sinita na nila ang China sa pagtatayo ng mga istruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sa kaniyang talumpati sa Mindoro Oriental, ikinwento ng pangulo na kinwestyon niya kung bakit hindi ipinadala ng Amerika ang kanilang Armada at seventh fleet na naka-istasyon sa Pacific para sitahin ang konstruksyon ng China.

Tumugon naman aniya si Kim sa kaniya, at sinabing hindi pa siya ang US ambassador to the Philippines noong mga panahong iyon kaya hindi pa niya ito trabaho.

Bago maitalaga sa Pilipinas, naitalaga muna si Kim sa embahada ng US sa South Korea.

Gayunman, sa kabila naman ng aniya’y pagtungaga lang ng Amerika sa South China Sea, nananatili namang magkaibigan ang Pilipinas at ang US.

Dahil dito, tiniyak ni Duterte na hindi papasok ang Pilipinas sa anumang military alliance bilang pagrespeto sa kasunduan sa bansang matagal nang kaalyado ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.