Aregluhan sa tax cases, OK kay House Speaker Alvarez

By Isa Avedaño-Umali March 30, 2017 - 04:25 AM

 

mighty cigarettesPara kay House Speaker Pantaleon Alvarez, dapat suportahan ng mga tao si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging bukas nito sa out-of-court settlements sa isyu ng tax evasion ng malalaking kumpanya.

Paliwanag ni Alvarez, tama naman ang presidente na masyadong mahaba at matagal ang proseso kung idadaan pa sa korte ang mga kasong ito.

Mas praktikal din aniya ang aregluhan para mapakinabangan na ang pera para sa social services.

Unang pinaboran ni Duterte ang compromise deal sa tax case ng kumpanyang Mighty Corporation.

Pwede aniyang gamitin ang 3 bilyong pisong ibabayad nito sa gobyerno para sa pagpapatayo ng mga ospital sa Basilan, Sulu at Tondo.

Nauna nang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue o BIR at Department of Finance o DOF ng 9.6 billion tax evasion ang Mighty Corporation dahil sa umano’y paggamit ng pekeng excise tax stamps sa kanilang mga produktong sigarilyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.