6 na menor de edad, nailigtas sa kamay ng bugaw sa Subic
Nailigtas ng National Bureau of Investigation ang anim na babaeng menor de edad sa isang umano’y human trafficker na nag-ooperate sa Subic, Zambales.
Ayon kay Norman Revita, NBI Special Investigator III, natagpuan ang mga biktima na may edad 14 at 15 taon sa loob ng isang umano’y motel sa barangay Asinan proper.
Nailigtas ng mga nbi agent at municipal social workers ng Subic ang mga biktima kay Michael Macaranas, 33 years old, sa isang entrapment operation.
Dalawa sa mga biktima ang inialok ni Macaranas sa dalawang NBI undercover agents sa halagang P2,000.
Ayon kay revita, matagal nang under surveillance ang bahay ng suspek kasunod ng paglutang ng impormasyon na ginagawa itong isang prostitution den.
Sinabi naman ng mga biktima na ni-recruit sila ni Macaranas na sumali sa isang sorority na kanyang ginawa.
Nahaharap ngayon si Macaranas sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti-Child Abuse Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.