Mga pulis, pinagbawalang umistambay sa mga airconditioned police car

By Jan Escosio March 30, 2017 - 04:21 AM

 

Mahigpit na nagbilin si NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde sa mga pulis sa Metro Manila na huwag gawing tambayan ang loob ng kanilang police mobile kapag naka-duty.

Ginawa ito ni Albayalde dahil alam niyang sobrang init na ng panahon at alam niya na matutuksong magpalamig sa loob ng gamit nilang airconditioned police car kapag sila ay naka-duty.

Aniya, hindi naman pinagbabawalan ang mga pulis na sumilong kapag matindi ang sikat ng araw at maari din naman silang umupo sandali sa kanilang mga sasakyan ngunit dapat lang ay bukas ang mga pinto.

Bilin pa ng opisyal dapat din ay madalas na uminom ng tubig ang mga nagpapatrulyang pulis para iwas dehydration at heat stroke.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.