Ito’y kasunod ng pagsasampa niya ng reklamong katiwalian sa Office Of The Ombudsman laban kay Floirendo dahil sa pinasok na joint venture agreement ng kumpanya nito na Tagum Agricultural Development Company o TADECO sa Bureau of Corrections o BUCOR para sa pag-upa ng lupa ng Davao Penal Colony.
Ayon kay Alvarez, seryoso siya sa pagpapa-imbestiga kay Floirendo. Bilang abogado ay alam niyang mabigat ang basehan ng kanyang reklamo laban sa kongresista.
Pagtitiyak pa ni Alvarez, itutuloy ng Kamara ang imbestigasyon kay Floirendo sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.
Hinding-hindi rin umano siya magpapa-areglo kay Floirendo kaya iniiwasan niyang makausap ito.