Alvarez kay Floirendo: “Maglakad ka na papuntang kulungan”
Pinatutsadahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kanyang dating kaibigan na si Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo na mag-umpisa nang maglakad papuntang bilangguan.
Ito’y kasunod ng pagsasampa niya ng reklamong katiwalian sa Office Of The Ombudsman laban kay Floirendo dahil sa pinasok na joint venture agreement ng kumpanya nito na Tagum Agricultural Development Company o TADECO sa Bureau of Corrections o BUCOR para sa pag-upa ng lupa ng Davao Penal Colony.
Ayon kay Alvarez, seryoso siya sa pagpapa-imbestiga kay Floirendo. Bilang abogado ay alam niyang mabigat ang basehan ng kanyang reklamo laban sa kongresista.
Pagtitiyak pa ni Alvarez, itutuloy ng Kamara ang imbestigasyon kay Floirendo sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.
Hinding-hindi rin umano siya magpapa-areglo kay Floirendo kaya iniiwasan niyang makausap ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.