Kiefer Ravena, nabiktima ng robbery sextortion

By Ruel Perez March 29, 2017 - 07:26 PM

KIEFER RAVENA
Screen grab from Ravena’s leaked photo scandal

Naaresto ang isang lalaki matapos na ireklamo ng basketball phenomenon na si Kiefer Ravena sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Nakilala ang suspek na si Christopher Monico, 23 years old, at batay sa nakuhang ID nito ay alumnus din ng Ateneo.

Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Supt. Jay Guillermo, nagreklamo ang magulang ng basketbolista na si Bong Ravena kung kaya nagsagawa sila ng entrapment operation.

Nauna nang nagbayad ng P25,000 si Ravena sa suspek.

Kaninang 12:20 ng tanghali, nagsagawa ng entrapment operations ang PNP-ACG sa Eastwood, Libis Quezon City kung saan naaresto si Monico.

Sa umano’y viber conversation, nagpadala umano si Kiefer ng nude photos sa suspek kung saan kita ang kanyang private parts na siyang ginamit naman sa pangingikil.

Sasampahan ng kasong robbery extortion in relation to Cybercrime Prevention Act ang naturang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.