Duterte at Robredo pinayuhan ni FVR na magkasundo na
“Dapat magkaisa na ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa”.
Ito ang naging apela ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga isyu na nagiging balakid sa pagkakaisa ng dalawa.
Sa isang press conference, sinabi ni FVR na napakahalaga na nagkakaisa sina Duterte at Robredo para na rin sa kinabukasan ng bansa at mga Filipino.
Malaki ang paniniwala ni Ramos na walang matibay na basehan ang mga inihaing impeachment complaint laban sa pangulo at pangalawang pangulo.
Binigyang diin din ng dating pangulo na hindi dapat at walang dahilan para mag-away sina Duterte at Robredo.
Sinabi pa ni Ramos na mas maigi kung kasama si House Speaker Pantaleon Alvarez sa magiging dinner ng dalawang lider ng bansa sa Malacañang.
Paliwang ni Ramos, ang impeachment complaint laban kina Duterte at Robredo ay nagmula sa kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.