Hukom sinibak ng SC nang bawiin ang warrant of arrest sa mga suspek sa hazing

By Mariel Cruz March 29, 2017 - 04:35 PM

supreme-courtSinibak sa puwesto ng Supreme Court ang judge na nagdismiss sa mga kaso na inihain laban mga miyembro ng fraternity na sangkot sa pagkamatay ng San Beda Law student na si Marc Andre Marcos dahil sa hazing.

Sa desisyon na may petsang January 24, dinismiss ng Supreme Court si Judge Perla Cabrera-Faller ng Cavite Regional Trial Court Branch 90 dahil sa paglabag sa code of judicial conduct.

Nasawi si Marcos na isang first year law student bunsod ng extensive traumatic injuries sa kanyang upper at lower extremitiies matapos isailalim umano sa initiation rites ng Lex Leonum fraternity sa isang bukid sa Dasmariñas, Cavite noong July 2012.

Matapos ang preliminary investigation, inihabla ng Department of Justice ang labingapat na frat members sa Cavite court na sinundan ng paglalabas ng arrest warrant laban sa mga suspek noong June 2013.

Pero, binawi ni Judge Cabrera-Faller ang arrest warrants ng mga suspek na sina Chino Daniel Amante, Richard Rosales at Mohamad Alim.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Cabrera-Faller ang pagsasara sa kaso na lubhang ikinagalit ng pamilya ni Marcos lalo na ang kanyang lolo na si Retired Judge Martonino Marcos.

Dahil dito ay naghain ng kasong administratibo ang lolo ng biktima laban kay Cabrera-Faller dahil nasuhulan umano para ilaglag ang naturang kaso.

Bukod sa dismissal, ipinag-utos din ng SC na tanggalan ng retirement benefits si Cabrera-Faller maliban sa leave credits at pagbawalan makabalik sa serbisyo.

TAGS: cabrera-faller, hazing, Marcos, San Beda, Supreme Court, cabrera-faller, hazing, Marcos, San Beda, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.