War on drugs, tuloy sa kabila ng banta ng economic sanctions

Photo by Cyrille Cupino
File Photo by Cyrille Cupino

Magpapatuloy pa rin ang giyera ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga sa kabila ng mga bantang pagpataw ng economic sanctions.

Iginiit ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa halip na magbanta ang international community dapat na tumulong na lang ang mga ito sa Pilipinas na palaguin pa ang export para makagawa pa ng mga trabaho.

Tinawag din ni Lopez na walang batayan at hindi patas ang panawagan ng pahayagang New York Times sa editorial nito na patawan ng trade sanctions ang Pilipinas.

Una rito, inihayag ng European Union na papatawan ng buwis ang mga produktong iniluluwas ng bansa sa mga miyembrong bansa nito.

Read more...