Tuloy pa rin ang joint balikatan exercises sa pagitan ng tropang Amerikano at mga sundalong Pinoy sa darating na Abril.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, walang mababago dito dahil bahagi ito ng commitment ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng kapabilidad ng magkabilang panig sa larangan ng pagtugon sa iba’t- ibang security situation at disaster at humanitarian assistance.
Sinabi ni Año na sa May 19 isasagawa ang closing ceremony ng Balikatan exercises kung saan imbitado naman ang tropa ng Japan bilang mga observer.
Nagdulot ng pagkalito ang naunang pahayag noong isang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkontra nito sa US kaya inakalang pati ang joint military exercises sa pagitan ng tropang Kano at Pinoy ay kanselado na rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.