Ipinahayag ito ng China makaraang iulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng Center for Strategic and International Studies ng United States, na malapit nang matapos ang mga pasilidad nito sa Spratlys Islands.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying na wala pa siyang detalye ng naturang ulat ng AMTI, ngunit iginiit na teritoryo ng China ang pinag-aagwang teritoryo.
Batay sa pinakahuling satellite photos ng AMTI ngayong buwan, nasa huling yugto na ng konstruksyon ang military facilities ng China sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef sa Spratlys Islands.
Magugunitang noong nakaraang linggo, pinabulaanan na ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi nila isinasailalim sa militarisasyon ang South China Sea.