Reklamo laban sa top contributor ni Pres. Duterte di dahil sa away babae – Speaker Alvarez

By Isa Avedaño-Umali March 29, 2017 - 01:06 PM

Alvarez2-0615Mariing itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na away sa babae ang ugat ng reklamong katiwalian na inihain niya sa Office of the Ombudsman at pagpapa-imbestiga sa Kamara de Representante laban kay Davao del Norte Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo Jr.

Iginiit ni Alvarez na walang kinalaman ang umano’y personal na hidwaan nila ni Floirendo sa reklamong kanyang inihain dahil malinaw sa batas na bawal magnegosyo ang isang opisyal ng pamahalaan.

Base aniya sa Securities and Exchange Commission, stockholder ng TADECO si Floirendo habang siya ay halal na kongresista, partikular noong ni-renew ang kontrata ng TADECO at Bureau of Corrections para gamitin ang mahigit 5,000 ektaryang lupain ng Davao Penal Colony bilang plantasyon ng saging.

Maliban sa business interest ni Floirendo, kuwestiyonable rin daw ang renewal ng 25 taong kontrata dahil hindi dumaan sa public bidding at lugi rin dito ang gobyerno dahil sinunod lamang ang napakamurang upa sa naunang kontratang pinasok noong panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Floirendo ang pinakamalaking campaign fund contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong eleksyon.

Nilinaw naman ni Alvarez na hindi umano nakatulong si Floirendo sa kanyang pagiging Speaker at pangalawa, maaaring ang Davao del Norte Congressman ang major contributor ng pangulo, pero hindi raw nangangahulugan na mayroon siyang lisensya para nakawan ang bayan.

TAGS: Davao del Norte Rep. Antonio 'Tonyboy' Floirendo Jr., House Speaker Pantaleon Alvarez, Rodrigo Duterte, tadeco, Davao del Norte Rep. Antonio 'Tonyboy' Floirendo Jr., House Speaker Pantaleon Alvarez, Rodrigo Duterte, tadeco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.