Maanomalyang kontrata ng NPO iniimbestigahan ng NBI
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation kaugnay sa sinasabing maanomalyang kontrata na pinasok ng National Printing Office sa tatlong pribadong kumpanya.
Ayon kay NBI Deputy Director for Intelligence Vicente de Guzman, sinisiyasat nila ang kontrata na pinasok ng NPO para Social Security System.
Nabatid na pumasok ang NPO ng P74-million contract sa Western Visayas Printing Corp. subalit kinuha pa rin ang serbisyo ng Best Forms Security Printer sa halagang P34M, Tri-Print Work para P27M at Metro Color na nagkakahalaga ng P15M.
Sinabi ni de Guzman na ang imbestigasyon ay kaugnay ng hiling ng Presidential Communication Office matapos airekomenda ni Communications Undersecretary for Legal Affairs Enrique Tandan na may basehan upang siyasatin ng NBI ang kontrata.
Sa isinagawang imbestigasyon ng PCO nadiskubreng mayroong iregularidad at paglabag sa Government Procurement Reform Act o Republic Act 9184 at Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019 ang pinasok na kontrata ng NPO.
Sa gitna ng nasabing transaksyon nauna ng nagbitiw sa puwesto si NPO Bids and Awards Committee chairperson Sherwin Prose Castañeda gayundin ang sampu pang opisyal ng Bids and Awards Committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.