Hindi pa sisibakin ng Palasyo ng Malacanang bilang pinuno ng Bureau of Customs si Nicanor Faeldon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mananatili bilang Customs Commissioner si Faeldon sapagkat hindi naman ito ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Abella kasunod ng mga ulat na may nilagdaang appointment papers si Executive Secretary Salvador Medialdea na magtatalaga sa isang indibidwal na papalit kay Faeldon sa Customs.
Base sa kumalat na text messages isang “Victorino” ang ipapalit kay Faeldon sa BOC na ayon na rin sa pamunuan ng ahensiya ay disinformation lang sa harap ng maigting na pagsugpo sa korupsiyon sa aduana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.