Magpapatupad na rin ng truck ban ang Quezon City government sa Sauyo Rd at Old Sauyo Rd, Novaliches, Quezon City.
Base sa ordinansang ipinasa ng Quezon City Council na nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista, simula alas sais ng umaga hanggang alas dyes ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas diyes ng gabi araw-araw bawal ang truck sa mga nabanggit na kalye.
Ang Sauyo Road at Old Sauyo Road ay alternatibong ruta at short cut patungo at pabalik ng Tandang Sora, Mindanao at North Avenue, North Luzon Expressway, Fairview, Quirino highway, Commonwealth Avenue, Caloocan City at Bulacan.
Multang P5,000 at isang taong pagkakakulong ang parusang ipapataw sa sinumang lalabag sa nabanggit na ordinansa.
MOST READ
LATEST STORIES