Isang eroplano ng Peruvian Airlines ang nagliyab sa runway ng Farncisco Carle Airport sa Jauja, Peru.
Ayon sa report, lulan ng Peruvian Airlines Boeing 737-300 na may registration number OB-2030 ang 141 pasahero.
Sinabi ng Peruvian Airlines na naganap ang insidente habang naglalanding ang eroplano dakong 4:30 ng hapon, araw ng Martes, oras sa Peru.
Nag-skid sa kanang bahagi ang eroplano sa runway ng Francisco Carle Airport hanggang sa ito ay magliyab.
“Today, at 16:30 pm, when we landed at Francisco Carlé de Jauja Airport, our Boeing 737-300 aircraft… turned on the right side, skidding off the runway. The high professionalism of our cabin crew prevented a major incident,” pahayag ng Peruvian Airlines.
Nailikas naman kaagad ang mga pasahero nito at walang nagkaroon ng matinding pinsala dulot ng aksidente.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa Peru kaugnay sa nasabing aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.