Hanging habagat, mararamdaman ng Metro Manila at Western Luzon simula ngayon
Inaasahang mararamdaman simula ngayon ang Hanging habagat dito sa Metro Manila,,buong Western Luzon kabilang ang Mindoro, Cavite, Batangas, Laguna .
Makakaranas din ng mga pag-ulan at thunderstorms ang Palawan, western Visayas at ilang bahagi ng Negros Occidental, Calamian, Cuyo at Pamalican Islands.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Meno Mendoza na ‘occasional rains’ ang mararanasan sa Metro Manila ngayong hapon.
Pero simula bukas, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na ang ihahatid ng habagat sa NCR. “Occasional rains ngayon sa Metro Manila, hanggang moderate rains naman bukas,” ayon kay Mendoza.
Kung magpapatuloy aniya sa pagbagal ang bagyong Ineng ay lalo nitong palalakasin ang epekto ng habagat sa Western Luzon.
Samantala, sa latest rainfall advisory ng PAGASA, ang ilang bahagi ng Apayao at Ilocos Norte ay nakararanas na ng malakas na buhos ng ulan.
Sa rainfall advisory na inilabas alas 10:22 ng umaga, sinabi ng PAGASA na moderate hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Calanasan, Apayao at sa Vontar, Solsona, Dingras, Piddig at Carasi sa Ilocos Norte.
Ang lalawigan naman ng Cagayan ay nakararanas na ng mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan.
Nagpalabas din ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Zambales, Bataan at maging sa Pampanga at Batangas.
Ang mga pag-ulan ay magtutuloy hanggang Sabado kung saan ang bagyong si Ineng ay lalabas na sa PAR ngunit hihilahin pa rito ang hanging habagat sa dulong Luzon./ Jake Maderazo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.