Dalawang kinatawan ng UN na dinukot sa Congo, natagpuang patay
Patay na ng matagpuan ng mga residente sa Democratic Republic of Congo ang mga bangkay ng dalawang imbestigador ng United Nations at ng kanilang Congolese interpreter na isang buwan nang nawawala.
Tumungo sa Congo ang U-S citizen na si Michael Sharp at Swedish na si Zaida Catalan sa Congo para i-monitor ang mga sanctions na ipinatupad ng UN Security Council sa Congo, nang bigla silang mawala sa Kasai Central province.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ng mga residente ang mga bangkay ng dalawang Caucasians at isang Congolese, sa lugar na hindi nalalayo sa kung saan sila huling nakita.
Pinuntahan ng mga pulis ang mga nasabing bangkay at doon nila nakumpirma na ito nga ang grupo nina Sharp at Catalan.
Tumanggi naman muna ang United Nations na kumpirmahin na ito nga ang mga bangkay ng kanilang mga kinatawan, hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsisiyasat ng mga eksperto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.