Apatnapung pulis sa Visayas, isasailalim sa lifestyle check

philippine-national-police-assembly-marchSinimulan na ng Philippine National Police ang kanilang pag-iimbestiga sa hindi bababa sa apatnapung pulis sa Central Visayas dahil sa umano’y unexplained wealth ng mga ito.

Ayon kay PNP Central Visayas Regional Internal Affairs Service Chief, Senior Supt. Jose Carumba, karamihan sa mga ito ay may ranggong Police Officer 1 hanggang Senior Police Officer 4.

Base aniya sa kanilang mga nakalap na impormasyon, ilan sa mga pulis ay mayroong nasa dalawang sasakyan at pag-aari na ilang bahay.

Nais aniya nilang malaman kung paano nagkaroon ng ganitong yaman ang mga nasabing pulis na hindi na niya pinangalanan.

Ito na ang ikalawang batch ng mga pulis na isasailalim sa lifestyle check.

Sa animnapu’t tatlong pulis na naunang imbestigahan, sampu sa kanila ang kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Read more...