Barangay Chairperson sa Leyte arestado sa shabu

By Kabie Aenlle March 29, 2017 - 06:50 AM

Ormoc City Leyte mapArestado ang isang barangay chairperson, matapos mahulihan ng shabu sa kaniyang tahanan sa Mabini Street, Ormoc City, sa Leyte.

Narekober ng mga miyembro ng City Drug Enforcement Unit ng Ormoc City Police ang dalawang plastic sachet ng shabu mula sa bahay ni District 4 Chairperson Josela Dumaguit.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kay Dumaguit na sa ngayon ay nakakulong na sa Ormoc Police Station 1.

Sinalakay ng pulisya ang bahay ni Dumaguit, dahil itinuturing itong high-value target na pangalawa sa kanilang drug list.

Narekober din sa bahay ang isang revolver na may tatlong bala at isang fragmentation grenade.

Gayunman, iginiit ni Dumaguit na itinanim lang ng mga awtoridad ang mga nasabing shabu na natagpuan sa kaniyang bahay.

TAGS: Barangay Chairperson, Chairperson Josela Dumaguit, drug list, drugs, leyte, Ormoc City Police, Barangay Chairperson, Chairperson Josela Dumaguit, drug list, drugs, leyte, Ormoc City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.