Mga bahay na inukopa sa Bulacan hindi babayaran ng Kadamay
Hindi nag-alok ng bayad para sa mga bahay na inukopa sa Bulacan ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay.
Ayon kay Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao, napag-usapan ng National Housing Authority o NHA at mga miyembro ng Kadamay sa kanilang dayalogo noong Lunes, na handa silang bayaran ng installment ang P240,000 na halaga ng kada bahay.
Pumayag aniya dito ang Kadamay basta’t babaguhin ng NHA ang kanilang terms of payment at luluwagan ang mga requirements.
Gayunman, iginiit ni Kadamay Chairperson Gloria Arellano na hindi pa dumadating sa puntong ito ang kanilang napag-uusapan.
Sakali aniya na mapag-usapan ito, igigiit pa rin nila sa NHA na libre talaga dapat ang mga pabahay dahil wala namang pambayad ang kanilang mga miyembro, lalo’t mahirap pa sa mahirap ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.