Mga casino, malapit nang masakop ng Anti-Money Laundering Law

By Kabie Aenlle March 29, 2017 - 04:21 AM

casinoMalapit nang higpitan ng pamahalaan ang batas laban sa money laundering law at masasakop na nito ang mga casino.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, inaasahang maisasara ng mga panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Law ng bansa ang mga butas na nagbibigay ng exemption sa mga lokal na casino sa pagrereport ng mga transaksyon ng kanilang mga customers.

Sa nasabing panukala, magpapatupad na ng P3-million cap sa mga taya ng isang kliyente, at ang transaksyong hihigit dito ay isasailalim na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa imbestigasyon.

Ayon pa kay Pimentel, ipatutupad na rin nila sa mga casino ang “know your customer” o KYC policy na kasalukuyan lang ginagamit sa mga bangko.

Oobligahin rin ng nasabing panukala ang mga casino na gumamit ng “high tech” na sistemang makakapag-monitor sa mga taya o pusta ng isang casino patron sa loob ng partikular na panahon.

Inaasahan ni Pimentel na maipapasa ng ang bersyon ng Senado sa nasabing panukala bago matapos ang summer session ng Kongreso sa Mayo.

Sinabi ni Pimentel ang mga ito sa pag-welcome sa bagong Bangladeshi Ambassador to the Philippines na si Asad Alam Siam.

Samantala, sinabi ni Siam na pareho ang mandato niya sa sinundan niyang opisyal, at ito ay ang marekober lahat ng mga perang nanakaw sa kanila noong nakaraang taon.

Matatandaang naipasok sa pamamagitan ng cyberheist sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) ang $81 million na pondo ng Bangladesh Central Bank, na idinaan naman sa mga casino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.