5 patay sa nasunog na motorboat sa Zamboanga

By Kabie Aenlle March 29, 2017 - 04:18 AM

 

Zamboanga CityNasawi ang lima katao, habang sugatan naman ang apat na iba matapos matupok ng apoy ang isang motorboat sa Zamboanga City.

Ayon kay Chief Insp. Clint Cha, nagkakarga ng langis mula sa isang tanker truck ang ML Satellite 1 sa Ben Go wharf sa Baliwasan nang mangyari ang aksidente Lunes ng gabi.

Kinukumpuni umano ng mga tripulante ang water pump ng motorboat, habang ang isa sa kanila ay tinetesting ang makina nito.

Nagkaroon ng spark sa ignition, na pinagmulan ng sunog.

Kinilala ang mga nasawi na sina Razdi Imlan, Manzul Abidin, at isang 15-anyos na si Sihdin Tingkahan na pawang mga na-trap sa lower deck ng motorboat.

Kasalukuyan namang nasa ospital ang mga biktimang nasugatan at nagtamo ng sunog sa katawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.