Mga military facilities ng China sa Spratlys, malapit nang matapos-AMTI

By Jay Dones March 29, 2017 - 04:23 AM

 

Fiery-Cross-Radar-Array-East-3.9.17Malapit na umanong matapos ang konstruksyon sa tatlo sa pitong islang ginawa ng China sa South China Sea at malaki ang posibilidad na magamit na ito para sa mga military operations sa nalalapit na hinaharap.

Ito ang lumitaw sa pinakahuling pagsasaliksik ng US think-tank na Center for Strategic and International Studies Asia Maritime Transparency Initiative (CSIS-AMTI).

Lumilitaw sa pinakahuling mga satellite photos ng Subi reef, Mischief reef at Fiery Cross reefs sa Spratlys na nasa huling yugto na ang konstruksyon ng mga istruktura sa naturang mga man-made islands doon.

Ang mga pasilidad ay kinabibilangan ng mga naval, air, radar at iba pang mga defensive facilities ayon pa sa AMTI.

Lahat ng tatlong isla na tinaguriang ‘Big 3’ ay may taglay na mga hangar na may kakayahang magtaglay ng hanggang 24 na fighter jets at apat na mas malalaking eroplano.

Mayroon rin itong mga pinatibay na shelter na may retractable roof na posibleng magamit bilang taguan ng mga mobile missile launcher.

Ang resulta ng pagsasaliksik ay ang pinakakonkretong ebidensya na patuloy na militarization ng China sa naturang rehiyon ayon sa AMTI.

Sa mga ginagawang konstruksyon ng China, maari na itong magdeploy ng mga military aircraft sa anumang bahagi ng South China Sea ayon pa sa ulat.

Maging ang radar coverage ng China ay mapapalawak na rin sa kabuuan ng rehiyon bunga ng modernong surveillance at early warning facilities na itinatayo sa ‘Big 3’ islands at maging sa Cuarteron at Woody island na posibleng bahagi ng pinaghahandaang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng naturang bansa.

Nauna nang naglagay ng HQ-9 surface-to-air missile system sa Woody island sa Paracel island chain ang China noong nakaraang taon.

Ilang bahagi ng Spratlys na tinayuan ng mga isla ng China ay kapwa inaangkin rin ng Vietnam, Pilipinas, Malaysia, Taiwan at maging ng Brunei.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.