Hustisya, ipinangako ng PNP para sa mga nabiktima ng drug war
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon sa libu-libong pagpatay na naganap sa kasagsagan ng drug war ng pamahalaan.
Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga kaso ng homicide, may kinalaman man ito sa iligal na droga o hindi.
Ito ang naging tugon ng PNP sa panawagan ni Sen. Grace Poe sa administrasyon at sa pulisya, kung saan sinabi niya na anuman ang tunay na bilang, hindi dapat mawala ang hustisya at humanity sa pagpapatupad ng batas.
Sa kanilang presentation sa Directorate for Investigation and Detective Management, lumabas na mula July 1, 2016 hanggang March 24, 2017, may kabuuang 6,011 na bilang ng kaso ng homicides ang naitala sa bansa.
Kinumpirma niya na 1,389 dito ay drug-related, habang ang 828 naman ay hindi drug-related, at ang nalalabing 3,785 ay patuloy pang iniimbestigahan,
Gayunman ayon kay Carlos, may ilang kaso na silang naresolbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.