Tingnan: Pangulong Duterte, masayang nakasama ang mga apo sa kanyang birthday

By Jay Dones March 29, 2017 - 04:20 AM

 

FB/Dr. Mans Carpio

Kahit walang enggrandeng kasiyahan at kainan, naging masaya pa rin ang kaarawan ni pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga larawan na ipi-nost sa Facebook page ng manugang ni Pangulong Duterte na si Dr. Manasas Carpio, makikita ang pangulo na masayang nakikipaglaro at nakikisalamuha sa kanyang mga apo at anak sa tahanan nito sa Davao City.duterte birthday1

Ang kanyang pitong apo ang nagsilbing bisita ng pangulo sa kanyang ika-72 taong kaarawan.

Sa mga naturang larawan, makikita ang ngiti ng pangulo habang nakikipagkulitan sa kanyang mga munting bisita.

duterte birthday2Una nang sinabi ng pangulo na wala siyang planong magsagawa ng anumang birthday party sa kanyang kaarawan kahapon.

Tanging hiling lamang niya ay ang magkaroon ng pagkakataong makasama ang kanyang mga anak at apo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.