Unang batch ng mga Martial Law victims tatanggap na ng kabayaran
Inaprubahan na ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) ang pagbibigay ng partial monetary reparation sa may apat na libong eligible claimants na nagpakilala bilang mga Martial Law victims.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isinumite na ng HRVCB ang board resolution sa tanggapan ni Executive Secretay Salvador Medialdea.
Dahil dito, hinihiling ng HRVCB na irelease na ng Bureau of Treasury ng P300 Million bilang partial payment sa mga biktima ng kalupitan noong panahon ng Martial Law.
Una nang nagpasaklolo ang mga opisyal ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang pagbibigay kumpensasyon sa mga biktima ng karahasan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang pagkuha ng monetary claims ay ibabase sa point system ng repatriation law.
Ang mga naunang claimants ay mayroong tig-23,567 points at ito naman ay may katumbas na kabayarang P25,000.
Mula sa kabuuang 75,000 claimants, nasa 4000 lamang ang inisyal na mabibigyan ng compensation o kabayaran ayon kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.