Bigas para sa mga 4Ps beneficiaries handa na ayon sa Malacañang
Magandang balita para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) dahil simula sa buwang ito matatanggap na ang P600 Million rice subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, aabot sa dalawa P2.5 Billion ang inilaan para sa rice subsidy sa 3.5 Milyong pamilya na miyembro ng 4Ps.
Samantala, inihayag ni Abella na marami sa mga Filipino ang masayahin pa rin .
Batay sa Social Weather Station Survey (SWS) report nitong December 2016 ay umabot sa 91 percent ang antas ng kasiyahan ng maraming Pinoy.
Pinakamataas na antas sa loob ng dalawampung taon.
Patunay ito ayon kay Abella na kuntento ang taong-bayan sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.