Businesswoman-model patay habang sumasailaim sa cosmetic surgery

By Den Macaranas March 28, 2017 - 03:09 PM

Shiryl-Saturnino-2
FB photo of Bunz Saturnino-Cuevas

Iniimbestigahan na ng Mandaluyong City Police Station ang pagkamatay ng isang 29-anyos na modelo na nasawi habang sumasailalim sa liposuction, breast at butt surgery.

Sinabi ni Mandaluyong City Police Chief S/Supt. Jose Alva na inimbitahan na nila para tanungin ang mga duktor ng Icon Clinic na matatagpuan sa nasabing lungsod.

Noong Sabado ng hapon ay nagpunta sa naturang clinic ang biktimang si Shiryl Saturnino para sa ipaayos ang kanyang katawan.

Sa paunang report, si Saturnino ay sumalang sa procedure ilang oras makaraan siyang dumating sa Icon Clinic na tumagal hanggang 2:40 a.m araw ng Linggo.

Sa mga oras na iyun ay napansin ng mga duktor na sina Samuel Eric Yapjuangco at Jose Jovito Mendiola na hindi na humihinga ang biktima kaya kaagad nila itong sinubukang i-revive sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation.

Nang hindi nagkamalay ang biktima ay kaagad silang nakipag-ugnayan sa Makati Medical Center na kaagad namang nagpadala ng ambulansiya.

Pero pasado alas-tres ng madaling-araw ay idinineklara ni Dr. Kristel Marie Del Rosario na dead-on-arrival sa ospital si Saturnino.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Mandaluyong City Police Station ang resulta ng otopsiya para sa kaukulang imbestigasyon.

 

Shiryl-Saturnino
FB photo: Bunz Saturnino Cuevas

TAGS: icon clinic, liposuction, Mandaluyong City, PNP, icon clinic, liposuction, Mandaluyong City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.